Sabado, Setyembre 17, 2011

Ang Wagas na Pagkakaibigan


Si Nicole/Mae ay isang dalagang laking maynila at nagbalak na manirahan sa kanilang probinsya at doon niya nais hanapin ang kanyang prince charming, nang kapistahan na ay may naglakas loob na makipagkilala sa kanya at ipinagtanong ang mga bagay na tungkol sa buhay niya, na siya ay dalagang happy go lucky at what u want is what I will get. At siya ay niligawan  nito, gusto ni mae si mark pero paano niya ito sasagutin kung aalis na sila.
           
Paglipas ng isang taon nag balik siya pero hindi para kay mark dahil halos sa mga araw na lumipas ay hindi na niya naalala ito hanggang sa isang araw nagkrus nanaman muli ang landas nila.

            Ano kayang mangyayari ? Magiging sila na kaya sa muling pagbalik ni mae o magkaiwasan lang sila ni mark ?


MAIN CHARACTERS ;

NICOLE MAE AQUINO – sopistikada, mabait, maganda, matalino … halos lahat na ng hinahanap ng lalake nasa kanya na, ang dalagang nagkagusto kay mark
MARK JEREMY ESTEVES – habulin at pikutin sabi nga nila, ngunit isa lang ang tinitibok ng puso niya,ang dating mayabang na hinahangad ni mae
RAVER KENNETH GARCIA  tahimik, pero malambing isa sa lalaking naging parte ng buhay ni mae
JOHN CHRISTIAN RODRIGUEZ – gwapo kahit isang probinsyano lang isa din sa mga naghangad ng puso ni mae at isa ring palaban
DINA CATHERINE  CRUZ – pinsang buo ni mae, pilit inaabot ang isang barkada nila.May pag kamasungit pero malambot ang puso
SAMANTHA CHESKA VARGAS – best friend ni mae na maituturing,adviser ng barkada’t tumatayong ate nila kaya napagkakamalang tomboy
IZABELLE GALVEZ – ex-girlfriend ng isa sa barkada,minsan na itong ginamit sa pagpapaselos. Mabait at tahimik ito rin ang kanilang Peace Maker
JANINA MONIQUE BURGOS – minsang ng naging tulay para magkaalaman ang dalawa sa barkada nila, pasaway na tahimik nga daw ito, pinsang buo nila dina at mae
RALPH RYAN SAN ISIDRO – “ THE BIGGEST MANHID “ in the barkada, gwapo at sikat sa pambobola nito
RANER CARL GARCIA – torpe at tahimik, dahil hindi nito magawang manligaw sa babaeng pinaka gusto nito

Diary of our Yesterday

         Matapos ang trahedya sa buhay ni Chambrey nagawa nitong bumangon kasama ang natuklasang bagong pamilya at itago ang naging pangit niyang nakaraan. Nag simula siyang mamuhay na parang walang nangyaring hindi maganda sa buhay ng dalaga.


        Nabuhay sa pangarap niyang kasalukuyan ng magulo ng isang diary na hindi niya sinasadyang makita at hindi malaman kung saan dapat ibalik. Habang dumaraan ang mga araw na nasa kamay niya ang librong iyon, nababasa niya ang bawat masasaya at malulungkot na nangyari sa may-ari ng diary.


       Maibalik pa niya kaya sa tunay na dapat mag-alaga nito kung sa bawat pahina na kanya binubuklat ay nasasama pati ang puso niya at nauungkat ang ilang mga pangyayari sa nakaraan niya na pilit niyang tinatago at kinakalimutan ilang taon na ang nakalipas.





BRYZON SHEAN PONTEVERDE & CHAMBREY CHERISE DE VERA